166

Nov 21, 2021 @ 18:37
By

China ‘di na eepal sa Ayungin Shoal – Lorenzana

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ngayong Linggo na hindi na mangha-harass ang mga barko ng China sa pagdadala ng suplay ng mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

“The Chinese will not interfere [with the delivery of supplies this week],” saad ni Lorenzana sa isang text message, ayon sa ulat ng ABS-CBN news.

Nakausap na rin umano ng kalihim si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Matatandaang noong Martes ay binomba ng water cannon ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala lamang ng suplay sa ilang sundalong nasa Ayungin Shoal.

Dahil sa pagiging agresibo ng mga Chinese, umatras ang dalawang bangka ng Pilipinas, sa teritoryong sakop ng exclusive economic zone nito.

“We will see if they are true to their words as our Navy will proceed with the resupply this week,” dugtong pa ni Lorenzana.

May mensahe rin ang kalihim sa China, matapos sabihin ng pamahalaan nito na ang mga bangkang Pinoy ang nanghimasok sa kanilang teritoryo.

“They are the ones violating our sovereign rights within our EEZ (exclusive economic zone),” aniya.

“They have no right to impede, prevent or harass our ships within our EEZ whether we are fishing or bringing supplies to our detachment in the Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon pa sa kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?