67

Nov 17, 2017 @ 17:01

China Dev’t Bank, pabibilisin ang BCDA infra projects

Tutulungan ng China Development Bank (CDB) ang Bases Conversion Development Authority (BCDA) upang mapabilis ang kanilang mga infra projects na nagkakahalaga ng $4.5 billion.

Kamakailan ay pumirma sa Memorandum of Understanding noong Miyerkules sina BCDA Chairman Gregorio Garcia III at CDB Chairman Hu Huaibang.

Sinaksihan ito nina President Rodrigo Duterte at Chinese Premier Li Keqiang.

Ayon sa sa MOU, ang BCDA at CDB ay magb establish ng framework para sa isang financing cooperation upang mapabilis ang pag gawa ng mga high impact infrastructure projects sa ilallim ng Build Build Build program ng gobyerno ni Duterte.

Ang CDB ay ang pinakalamaking international investment and financing cooperation bank ng China.

Ito rin ang may pinakamalaking development finance institution sa mundo.

Noong 2016, ang CDB international business ay umabot na sa 115 countries at regions, sa buong mundo. Ang bangkong ito ay nakapagpahiram na rin ng $347 billion outstanding loans sa buong mundo.

Base sa MOU, ang CDB at BCDA ay inaasahang mag collaborate sa susunod na 5 taon, pag aralan ang pinakamura at epektino na financing para sa mga proyekto ng BCDA sa Clark at Metro Manila upang ang kanilang benepisyo ay maramdaman agad ng mga Pilipino.

Gusto rin ng CDB na mag-team up sa mga kuwalipikadong Chinese enterprises upang ipatupad ang mga BCDA projects.
Ang mga high impact infrastructure projects ng BCDA ay mga sumusunod: New Clark City, the Subic-Clark Railway Project and the BGC-NAIA-Makati Bus Rapid Transit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?