magdalo-gary-alejano
By

China-dependent foreign policy ni Duterte

Sharing is caring!

Patuloy ang pagpapalakas ng China ng kanilang puwersa militar sa loob mismo ng sarili nating bakuran. Sa kabila nito, ang ating Pangulo ay tahimik lamang at siya pang nagpapaliwanag para sa China. Habang ang ating karatig-bansa na Vietnam ay mariing tinututulan ang militarisasyon sa South China Sea.

Tahasang ipinanawagan ng Vietnam na dapat alisin ng China ang mga missile sa Spratly Islands. Kung tutuusin, napakalapit ng banta sa segu­ridad sa atin ngunit imbes na pumalag at umal­ma ang gobyerno natin, ibang bansa pa ang tila gumagawa nito para sa atin. Hindi talaga maiiwasang isipin na sad­yang isinuko na ng ating Pangulo ang ating teritory­o sa China kapalit ng mga inuutang niya sa bansang ito.

Mandato ng isang Pangulo na protektaha­n ang ating teritoryo at soberanya. Sa kabila ng ilang beses nang panghihimasok sa ating teri­toryo, panggigipit sa ating mga mangingisda, at patuloy na paglalagay na mga kagamitang pandigma sa West Philippine Sea, kahit isang salita lamang ng pagkondena sa China ay wala ta­yong narinig. Nakabibinging katahimikan mula sa Pangulong lagi namang madaming nasasabi.

Immediate-Hiring-Ads
Kung anong tapang magsalita ang Pangulo sa kanyang kababayan, ay siyang tahimik nito sa China na nagsisilbing malaking banta ngayon sa pambansang seguridad ng Pilipinas. May kasunduan na ba na ang kapalit ng mga inuutang ng administrasyong Duterte sa China ay ang ating mga teritoryo sa West Philippine Sea? Ito ba ang kapalit ng pananahimik?

Gaano kalaki na ba ang inutang ng Duterte administration sa China at bakit tahimik ang ating Pangulo sa militarisasyon ng bansang ito sa ating teritoryo at binabalewala ang banta sa ating pambansang seguridad?

Tandaan natin na istilo na ng China ang pautangin nang pautangin ang mga bansa na na­ngangailangan ng tulong pinansyal sa mas mataas na interest rate at kapag hindi nakaba­yad ay teritoryo o mga likas yaman ng bansang baon sa utang ang hinihinging kapalit. Nangyari na ‘yan sa Tajikistan nang kunin ng China ang 1,154 square kilometers na disputed territory kapalit nang inutang. Isa lamang ang kasong ito sa napakaraming bansa na lubog ngayon o hindi kaya ay nanganganib na malubog sa utang dahil sa Chinese loans.

Ang lahat ng mga desisyon at aksiyon o kawalang-aksiyon ng administrasyong Duterte ay magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa ating bansa. Sa China-dependent foreign po­licy ng administrasyong Duterte, hindi lamang tayo mababaon sa utang kundi mawawala rin sa atin ang mga teritoryo natin. Baka nga maging probinsiya na tayo ng China kung hindi natin tututulan ang ginagawa ngayon ng administrasyong Duterte.#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?