21

Oct 14, 2021 @ 14:27
By

China bibigyan 1-M Sinovac vaccine Pinas

Magpapadala ang China ng isang milyong Sinovac vaccine na kanilang donasyon sa Pilipinas sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian ngayong Huwebes.

“I hope the vaccines will further facilitate the ongoing vaccination rollout and promote early economic and social recovery in the Philippines,” saad sa statement ni Huang.

Sinovac ang bumubuo sa pinakamalaking porsyento ng mga bakunang dinala sa bansa.

Bukod dito ay may parating pang 844,000 bakunang AstraZeneca na donasyon naman ng Germany sa pamamagitan ng COVAX facility. Nakatakda itong dumating sa Oktubre 15.

Batay sa huling tala ng pamahalaan ay umabot na sa 23 milyong Pilipino ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?