174

Oct 2, 2017 @ 19:04

China Bank, sinalakay ng Termite Gang

Libu-libong halaga ng salapi ang natangay ng umanoy mga miyembro ng ‘Termites Gang’ matapos na looban ang China Bank sa sangay ng Fairview, Quezon City.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Police Superintendent Tomas G. Nunez, hepe ng Fairview Police Station 5, ganap na alas – 8:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ng operation manager na si Mr. Marlou Espejo ang malaking hukay sa gilid ng banko sa tapat ng ginagawang MRT sa Commonwealth Ave., ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng QCPD Theft and Robbery Section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakapasok ang mga suspek sa banko sa pamamagitan nang paghukay sa underground sa may drainage system sa Commonwealth Ave. kanto ng Camaro St., Brgy . Greater Lagro.

Nang makapasok na ang termites gang sa banko ay puwersahang binuksan ang vault at tinangay ang laman nitong libu – libong halaga ng salapi.

Lumitaw din sa pagsisiyasat, na sa pagitan ng September 30 at October 2 nang pasukin at pagnakawan ang banko at naiwan ng mga kawatan ang mga ginamit sa paghuhukay sa lugar. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?