169

Aug 23, 2020 @ 21:47
By

Chin-Chin ganap nang madre

Isa nang tunay na tagapaglingkod ng Diyos ang dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez.

Sa Instagram post ni Lolit Solis, kinumpirma nitong isa nang ganap na madre ang dating artista.

“Ang gandang balita na ngayon ay isa ng full pledged Carmelite nun si Chin Chin Gutierrez. Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz eto si Chinchin Gutierrez isang mahusay na aktres pero mas pinili ang spiritual growth,” ayon sa talent manager.

“Nuon pa balita na pumasok si Chinchin sa kumbento, isang malaking hakbang papunta sa sisterhood at heto ngayon, isa ng madre ng Carmelite mission. Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao,” aniya pa.

Nanghingi ng dasal si Manay Lolit kay Sister Chin-Chin sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?