13

By

Child marriage dapat gawing krimen – Lagman, Dy

Sharing is caring!

Itinutulak nina Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy at Albay Rep. Edcel Lagman na gawing krimen ang child marriage kabilang ang facilitation at solemnization nito sa Pilipinas.

Inihain nina Herrera-Dy at Lagman ang House Bill No. 8440 kung saan idinedeklara bilang ‘public crime’ ang child marriage, ang pag-aayos at pagsasagawa nito.

Para sa mga kongresista, child abuse ang pagpapakasal sa mga bata sa murang edad.

“These acts are grave [forms] of child abuse and exploitation as they gravely threaten and endanger the survival and normal development of children physically, emotionally, and psychologically and can be initiated by any concerned individual,” saad sa panukala.

Ituturing din ang child marriage na void ab initio o walang bisa sa umpisa pa lamang.

Base sa datos ng United Nations Population Fund, mahigit 650 milyong babae ang naipakasal bago pa sumapit sa edad na 18 habang 21 percent ng mga nasa edad 20-anyos hanggang 24-anyos ang child brides.

Sa Pilipinas, nakasaad sa 2017 National Demographic and Health Survey na isa sa bawat 5 babae ang naging ina sa edad na 19-anyos.

Sa ilalim ng panukala, mahaharap sa pagkansela ng lisensya, multa at pagkakakulong ang mga solemnizing officer na papayag na magkasal sa bata.

Kasong paglabag sa RA 7610, pag-alis ng kustodiya sa bata at pagkakabilanggo naman ang kakaharapin ng mga magulang na pipiliting ipagkasundo at ipakasal ang mga menor de edad na anak.

Magkakakulong rin ng hanggang 12 taon ang mga matatanda na magpapakasal sa bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?