175

Oct 16, 2017 @ 17:30

Child labor program ng PH, pinapurihan sa US

Isa ang Pilipinas sa 23 bansa sa Asya Pasipiko na nakatanggap ng mataas na puntos sa kampanya laban sa child labor.

Ito ay batay sa Findings on the Worst Forms of Child Labor Report ng United States Department of Labor (USDOL) kung saan limang taon nang sunud-sunod na nakatanggap ng papuri ang Pilipinas mula sa nasabing kagawaran.

Lumitaw sa ulat na kabilang ang Pilipinas sa 23 bansa na nakakuha ng significant advancement rating, ang pinakamataas na antas sa isinagawang assessment.

Kabuuang 135 bansa ang isinailalim sa pag-aaral batay sa nasabing ulat.

Partikular na umani ng atensyon ng USDOL ang paglalabas ng bagong listahan ng mapanganib na trabaho at gawaing ipinagbabawal para sa kabataan.

Ang tinutukoy na panuntunan ay ang Guidelines for the Employment of Migratory Sugarcane Workers at ang Revised Rules on Labor Laws Compliance System.

Pinuri rin sa ulat ang regular na pagsasagawa ng pagsasanay sa Child Labor Assessment ng mga Labor Laws Compliance Officers.

Kinilala din ng USDOL ang pag-update ng DOLE sa Philippine Program Against Child Labor na layong alisin sa mapanganib na trabaho ang isang milyong batang-manggagawa pagsapit ng 2025. Maricel Diaz

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?