366

Apr 3, 2020 @ 20:46
By

Chienna Filomeno, binuweltahan ng boobs ang mga basher

Kaliwa’t kanan ang reaksyon ng mga celebrity tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kamakailan sa nation address.

Tumanggap ng iba’t ibang reaksyon ang tweet ng isang miyembro ng Showtime girltrends na si Chienna Filomeno.

“Wag na natin i-expect na ililigtas tayo ng tao na ang alam lang at gusto ay pumatay. We got this, Pilipinas. Sila dapat ang matakot sa atin,” sabi niya sa kanyang isang tweet.

May mga sumang-ayon sa kanyang pahayag pero bumenta ang isang basher na pinuna ang sinabi ng aktres.

“Anong ‘we got this?’ P*tang*na mo hindi ka nga maka memorise ng simpleng sayaw we got this ka pa bobo!” sigaw ng basher.

Hindi napigilan ng iba na tawanan ang comment ng naturang basher kahit alam nilang medyo nakaka-insulto ang sinabi nito.

Gayunpaman, ginawa na lang ding biruan ng dancer-actress ang pambabash na iyon sa kanya.

Sa Instagram niya, ni-flex pa niya ang kanyang boobs para ipang-asar sa kanyang mga basher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?