180

May 29, 2018 @ 14:10
By

Chief of Staff ni Sotto bagong Senate Secretary

Magiging Senate secretary na ang dating chief of staff ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na si Atty. Myra Villarica.

Papalitan nito si Atty. Lutgardo Bardo na nagbitiw para bigyang-daan ang gustong italaga ni Sotto sa puwesto.

Si Barbo ay nagsilbing Senate secretary noong pangulo ng Senado sina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III (July 2016 – Mayo 2018) at dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. (2000)

Si Villarica naman ay chief of staff ni Sotto mula 1999 hanggang 2004 hanggang natalaga ito bilang chief ng secretariat ng Senate Electoral Tribunal (SET) at naging chief of staff din ng Commission on Appointments (CA).

Ang pangulo ng Senado ang pumipili ng Senate Secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?