6

Nov 7, 2020 @ 13:07
By

Chief of staff ng White House sapol ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang chief of staff ng White House na si Mark Meadows.

Ayon sa report ng CNN, kinumpirma ng dalawang opisyal ang pagkakaroon ng coronavirus ng chief of staff.

Si Meadows ay nakasama pa ni US President Donald Trump sa kanyang kampanya ngunit hindi klaro kung kailan ito dinapuan ng virus.

Kasama din si Meadows sa election party na dinaluhan ng ilang malalapit kay Trump.

Nababahala na ang mga tauhan sa White House dahil sa kanilang contact kay Meadows.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?