40

Jun 23, 2022 @ 13:03
By

Chie Filomeno inokray, tinawag na ‘mukhang bakla’

Inalmahan ni Chie Filomeno ang isang basher na todo pang-ookray sa kanya.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Chie ang screenshot ng panglalait ng netizen.

Tinawag siya nitong pangit at “mukhang bakla,” bagay na inalmahan ni Chie.

Aniya, ‘wag umanong tularan ang mga tao na ginagamit ang salitang “bakla” para makapanlait ng tao.

“Ang pangit muna girl Muka ka ng bakla (sad)” sey ng basher.

Reply naman ni Chie: “Don’t ever use ‘bakla’ as an insult. Wag kayong tumulad dito. Nakakasuka ka.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?