65

Sep 28, 2019 @ 15:37
By

‘Chicken Noodle Soup’ ni J-Hope binusog ang mga fan

Nanguna na naman ang isang BTS member sa Youtube Philippines dahil sa hit song ni Jung Ho-seok o J-Hope na “Chicken Noodle Soup” kasama ang Amerikanang singer na si Becky G.

As of 2:35 ngayong hapon, No. 1 trending ang music video ng kanta sa Youtube na mayroon nang 19.9 milyong views at halos 400,000 comments mula nang ilabas kagabi, Setyembre 27, 2019.

Dahil sa kanta, si J-Hope na ang ikalawang Korean solo artist na pumwesto sa No. 1 spot sa United States iTunes Songs Chart. Nanguna rin umano ang “Chicken Noodle Soup
sa iTunes Songs Chart ng 66 iba pang bansa, ayon sa ulat ng Allkpop.

Isang remake ang nasabing kanta, na hinaluan ng Korean at Spanish lyrics nina J-Hope at Becky G. Ang orihinal na bersiyon ng kanta ay kinanta nina Webstar at Young B, feat. AG aka The Voice of Harlem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?