8

By

Chicano nagpaangat sa ‘Go’ bets

Sharing is caring!

Pagkatapos ng panalo ni John Leerams Chicano sa Putrajaya Asian Triathlon Confederation Middle Distance Duathlon Asian Championships, nagdesisyon ang Go for Gold na isabak ang kanilang mga atleta sa mas mataas na antas ng kumpetisyon.

Unang hakbang ng team ang pagtapik kay Australian coach Brett Sutton, ang naghulma kay dating national triathlon coach Melvin Fausto, at naka-Olympic triathlon gold sa London 2012 at silver sa Rio de Janeiro 2016 sa ilang triathletes sa ilalim niya.

Sa ilalim ni Sutton, ginagamit na ngayon ni Go for Gold coach Fausto ang makabagong scientific methods para sanayin ang squad.

Natasahan ang bagong coaching system niya sa Powerman Malaysia na kasabay pinakawalan ng Putrajaya ASTC event noong March 4.

Ang Powerman Malaysia ay nilahukan ng 3,756 elite duathletes at multi-sport athletes mula sa 41 bansa.

Sumikwat ng bronze sa Putrajaya ang isa pang pambato ng Go for Gold na si Raymund Torio ng Lingayen, Pangasinan.

Ang iba pang atleta ng Go for Gold na nanguna sa kani-kanilang categories ay sina Leonard Rodina, Carl Vincent Gutierrez, John Carlos Selubo at Rogelio Visconde.

Ang Go for Gold ay proyekto ng Powerball Marketing and Logistics Corp., Filipino company na naglulunsad ng fund raising programs para sa gobyerno at pribadong sektor.

“It’s a great accomplishment for the Go for Gold Team,” ani Fausto. “Chicano defended his title for being the top Asian duathlete – the same soil where he won the 29th Southeast Asian Games silver medal.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?