88

Chiang Kai Shek, NU abante sa semis ng PSSBC Cup

Kapwa nagsipanalo ang Chiang Kai Shek College at National University (NU) para umabante sa semifinal round ng 6th PSSBC Dickies Underwear Cup sa SGS Stadium sa Quezon City.

Nasindak ng Blue Dragons, na tumapos na pangalawa sa NU Bullpups sa preliminary round, ang reigning NCAA titlist La Salle-Greenhills, 77-53.

Samantala, pinadapa naman ng Bullpups ang San Sebastian Staglets, 104-72.

Kumana ng pinagsamang 36 points sina Terrence Fortea at Winderlich Coyoca para sa Bullpups.

Ang liga ay iniisponsoran ng Hapee Toothpaste, Blackwater, Freego Jeans, Poly Gloss/Rain or Shine, Che Lu Bar & Grill’s at MEC Computers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?