35

Nov 19, 2021 @ 15:44
By

Cheska pinayuhan si Kendra: ‘Don’t hide your beauty with filters!’

Lumalaking fashionista kagaya ng kaniyang ina ang 12-anyos na si Kendra Kramer, anak ng dating basketbolistang si Dough Kramer at ang asawa nitong si Cheska Garcia.

Panganay sa tatlong magkakapatid si Kendra na hinahangan ngayon sa social media dahil sa taglay nitong ganda.

Kamakailan lang, umani ng reaksyon ang Instagram post ni Kendra dahil sa nakakabighaning kagandahan.

Ibinahagi nito ang kaniyang mga selfie at mirror shot.

Maraming namang fans ang pumuri dito. Kasama na rin sa nag-comment ang kaniyang ina.

Ani Cheska, hindi raw dapat tinatago ng anak ang kagandahan niya sa mga filter.

“Don’t hide your beauty with filters!” comment nito sa post ng anak.

Dagdag pa niya, mas gusto niya raw ang mga larawan nito kapag walang filter.

“I like your pictures without it. Just my honest opinion. I always tell you that,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?