241

Jan 8, 2022 @ 19:59
By

Cheska, Doug Kramer namigay paracetamol

Sa gitna ng kakulangan ng suplay ng paracetamol sa ilang botika, naisipan ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer na ipamigay sa ilang mga nangangailangan ang kanilang sariling suplay ng naturang gamot.

“As you can see, we have [paracetamol] for you guys. We know there’s been a shortage. We’ve seen all the posts on Twitter,” saad ni Doug sa kanyang Instagram video noong Biyernes.

Wika pa ng dating basketbolista, pambata ang mga gamot na kanilang stock at para sa edad 6 hanggang 12 lamang, dahil para talaga ito sa kanilang mga anak.

“We have our stock here, our personal stock, because we have three children and we have family where we also send these medicines. We left 10 for us, for the kids, and that’s enough. We’re willing to give the rest,” saad pa ni Doug.

Ayon sa mag-asawa, ibibigay nila ang mga gamot sa mga residente lamang ng Maynila na magko-komento sa kanilang post.

Sagot na rin umano nila ang delivery fee.

Nitong mga nakaraang araw ay trending sa social media ang ilang brand ng gamot dahil sa umano’y kakapusan ng suplay sa ilang botika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?