640

Nov 29, 2021 @ 19:40
By

Cherry Pie dinala sa ‘langit’ ni Edu

Walang tatalo sa sweetness nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Mahigit isang linggo matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon, nagtungo sa Florida, United States ang dalawa para mag-boating trip.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng veteran actress ang kanilang date ni Edu.

Makikita sila habang nasa bangka at kumakain, kasama ang ilang kaibigan sa siyudad ng Winter Haven.

May litrato rin sila habang natutulog na magkatabi.

Sey ni Cherry Pie, parang nasa heaven ang pakiramdam niya dahil dito.

“My Winter Haven, Florida visit was definitely heavenly! It was so nice to touch base with dearest friends who have become family,” caption ni Cherry Pie.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

Si Edu ay ex-husband nina Vilma Santos at Maricel Soriano habang hiwalay na sa kanyang asawang si Gary Tria ang aktres.

Naging close sina Edu at Cherry Pie sa TV series na “Marry Me, Marry You”, kung saan sila ang parents ng bidang si Andrei, na ginampanan ni Paulo Avelino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: