16

Oct 26, 2020 @ 12:56
By

Cherry Pie, Bituin, Chickoy naki-red lipstick vs. red-tagging

Parami nang parami ang mga kilalang personalidad na nakikiisa sa pamilya ni Angel Locsin, na nired-tag dahil lang pinupuna ang gobyerno.

Red-tagging ang termino sa pagbansag sa mga kritiko ng pamahalaan bilang “komunista” o “terorista”.

Matatandaang damay si Angel at kapatid nitong si Ella Colmenares sa warning ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kina Liza Soberano at Catriona Gray.

Pinalalayo ni Parlade sina Liza at Catriona sa mga aktibista, at sinabing huwag “sundan ang landas” ni Ella na diumano’y miyembro ng New People’s Army (NPA).

Pinalagan ng apat na babae ang mga pahayag ng heneral. Dagdag pa, nilinaw ni Locsin sa kanyang mahabang Instagram post na siya, ang sister niya, at kuya Neri ay pawang hindi parte ng NPA o anumang terrorist group.

Nilagay din ng aktres ang larawan niyang suot ang pulang damit at pulang lipstick, at sinulat sa caption ang “#NoToRedTagging #YesToRedLipstick”.

Dahil dito, nagkalat sa social media ang larawan ng mga naka-red lipstick na mga celebrity na sumuporta kay Angel.

Sa Instagram din nag-red lipstick sina Cherry Pie Picache, Jenny Jamora, at Eugene Domingo.

Nag-post naman sa Facebook sina musician Chickoy Pura at trending store owner na si Aling Marie.

https://www.facebook.com/chickoy.pura/posts/10224578340309893

https://www.facebook.com/102286198218003/photos/a.102290244884265/187277396385549/?type=3&__xts__%5B0%5D=68.ARDk1i3XHtQ4Cs4zrg2HfGwa0FB-bbyPMWr0tvxnrz4AaOfmSyJgDP03AkF-ceCBJVnEYLGt-fOZT8BQ9IEm85zZuZ86hOEYJpHzNc39MgjL5bQA3DVuQSqc83bLW8zk2P2X148nEBKanf6yVYGucjiCZZn1NewrmAk8gJKctqZjtRBVTkYHay3U7qyLoUFa_fSmicRvYHAIqcQ_4Yr1RQxLayCa67sWf8uA9Vb1Gelf9HJfm3vOtbtOV1fACHDPmf1lvxw2wU10UTCSYKbIu3ZXWauRK6XRA2Vd6ilkqtGixJMCan3edxfDz4WLcm9cp-9j8dWIdPWmTQgM4OjYUYQ&__tn__=-R

Sa Twitter naman sina Pia Magalona, Agot Isidro, at Bituin Escalante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?