46

Jun 23, 2019 @ 20:44
By

Cheng, PetroGazz winalis ang Army

Nag-alsa si setter Djanel Welch Cheng sa pagsunog ng PetroGazz sa Pacific Town Army Lady, 29-27, 25-20, 25-14, sa pagpapatuloy Linggo ng gabi ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 second round eliminations sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Binawian nitong Sabado ng Creamline na inunahan nila sa first round, nilabas ng Angels ang bangis at ngitngit upang muling solohin ang liderato sa 8-1 win-loss record, at isalya ang Lady Troopers sa 4-4 dumiskaril sa pagtapak nito sa Final Four.

Hataw sa distribusyon ng opensa si Cheng na may tatlong puntos at 13 excellent sets para sa PetroGazz.

Bumida rin para sa Angels sina Cuban import Wilma Salas na nagtala ng 22 points samantalang nag-ambag si team captain American reinforcement Janisa Johnson ng 21 markers.

Sa huling set ng laban, tinambakan nang PetroGazz ang Pacific Town Army para muling makabalik sa win column ng torneo at iputong sa karibal ang kambal na semplang.

“Sinasabayan namin yung pacing ng kalaban. Kaya sabi ko nung last set, kung kaya na manalo tayo ng convincing, (gawin natin),” pahayag ni winning coach Arnold Laniog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?