3

By

Cheng, Cobb pinana uli ang State U

Sharing is caring!

Nagpaulan ang De La Salle University ng service ace upang maitaob ang University of the Philippines, 25-15, 25-19, 25-19, sa 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament second round eliminations sa The Arena sa San Juan City kanina.

Pumalaso ang DLSU Lady Archers ng 15 ace kung saan nakalima si opposite hitter Kim Kianna Dy at si outside hitter Desiree Wynea Cheng ay may apat tungo sa pagsalansan ng tig-14 points.

May tatlong ace naman si setter Michelle Monique Cobb bukod pa sa 30 excellent sets para sa pangatlong dikit na ragasa ng Taft-based volleybelles, umangat sa pangkalahatang 7-2 win-loss record sa paglapit sa Final Four.

Walang masabi si Ramil de Jesus sa binanda ng kanyang two-time defending champs Taft-based volleybelles na hinaltak padausdos sa 3-6 ang UP Lady Maroons sa walong paaralan lang na liga.

“Siguro ‘yung naging organized ang blocking namin and ang floor defense medyo nag-work. At the same time maganda ang naging services,” litanya niya.

Napunta lang sa kawalan ang pagsusumikap para sa mga balibolistang taga-Katipunan nina Diana Mae Carlos at Ma. Linaq Isabel Molde, mga nakaangas ng 16 pts. at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?