75

Nov 7, 2019 @ 15:29
By

Chemistry hindi problema – Maraño

Matapos ang kanilang pagratsada sa opening ng PSL Super Cup nitong Martes at pagbabalik mula sa 12-day training camp sa Japan, dumeliber agad ang Philippine women’s volleyball team.

Bagama’t kulang sa koponan dahil hindi nakalaro sina Alyssa Valdez at Jia Morado na nasa Final series ng PVL, tiniyak naman ni team captain Aby Maraño na napupunan ang pagkukulang sa koponan.

“Sa chemistry okay naman kami siguro lang hindi pa rin sapat, kulang pa rin kasi may mga panahon na hindi namin nakakasama yung ibang players. May mga panahon na hindi nakukumpleto pa rin. Napupunan naman ‘yung kulang,” saad nito.

“Kung sino ‘yung mga natititra, kung sino ‘yung mga nakakapaglaro, hindi nila sinasayang ‘yung oras. Kahit papano, kulang man hindi namin nararamdaman masyado kasi naka-focus kami sa pag-grow ng bawat isa at ng isang buong team.”

Ibinahagi rin ni Maraño na hindi magiging suliranin ang pagkakaiba-iba ng mga club team nila.

“Kahit iba ‘yung club teams na pinagmulan namin or schools, mabilis makisama. Madaling makiagapay sa bawat isa. Walang burning bridges or whatever na issue man, maayos makipag-communicate at makisalamuha kumbaga kaya maayos rin ‘yung takbo ng relasyon ng bawat isa sa amin sa National Team,” paliwanag ni Maraño.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?