120

Aug 1, 2018 @ 1:35
By

Che’Lu, isang hakbang na lang sa D-League finals

Isang panalo na lang at makakasikwat na ng spot sa finals ang Che’Lu Bar and Grill Revellers matapos nitong pataubin ang Centro Escolar University Scorpions, 112-97, sa kanilang unang paghaharap sa best-of-three semifinals ng PBA D-League Foundation Cup, Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nanguna para sa Revellers sina Levi Hernandez na may 24 na puntos at tatlong rebounds, at Jessie Collado na may 18 puntos at limang rebounds.

Naging palaban ang CEU dahil nagawa nilang maibaba sa apat ang 20 kalamangan ng Che’Lu, 90-94, sa 3rd quarter sa tulong ng triple ni Judel Fuentes sa 3:11 minuto ng laro.

Pero agad bumawi ang Che’Lu at lalong pinalobo ang lamang nila, 101-90, sa 3-point shot naman ni Chris Bitoon at sa apat na sunod na puntos mula sa dating GlobalPort player na si Jeff Viernes.

“Yun nga ang palaging problem sa team na ito, ‘yung complacency. Paulit-ulit ko pinapaalala ‘yun sa kanila. Good thing mas beterano kami kaya may advantage kami sa end game,” ani Che’Lu head coach Stevenson Tiu.

Samantala, natalo man ay maganda pa rin ang pinakita ng Scorpions sa pangunguna nina Judel Fuentes na may 27 puntos at anim na rebounds at Jan Formento na may 17 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?