42

Aug 8, 2018 @ 17:20
By

Che’Lu, Go for Gold bugbugan sa D-League Finals

Magsisimula na ang best-of-five finals series ng Che’Lu Bar and Grill Revellers at Go for Gold Scratchers sa PBA D-League Foundation Cup, Huwebes ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang Game 1 ng finals series ng liga ay magsisimula ng alas-singko ng hapon at isang magandang laban ang aasahan mula sa dalawang koponan.

Para kay Che’Lu head coach Steveson Tiu, sa mga oras na ito ay balewala na aniya ang pagkatalo nila ng dalawang beses sa Scratchers sa eliminations ng liga.

“Back to zero na ito. Hindi magiging ganoong kadali ‘yun para sa amin kasi championship na ito eh,” sabi ni Tiu.

Natalo ng Revellers sa unang dalawang beses nitong paghaharap ang Scratchers noong Hulyo 3 at 26 sa elimination round ng liga.

Magiging sandalan ni Tiu sina Jeff Viernes, Levi Hernandez at Jessie Collado sa darating na finals at gusto nilang makabawi mula sa runner-up finish nila noong Aspirant’s Cup.

Aminado naman si Scratchers head coach Charles Tiu na ang kanyang tropa ang underdog sa championship series na ito pero malaki pa rin ang pag-asa niya lalo na’t maganda ang pinakita nila sa semifinals.

“They beat us twice and we’ve really struggled against them. But the good thing is its 0-0 in the finals and it should be a good match-up,” ani Tiu.

Umaasa ang Scratchers na agad makauna sa laban sa pangunguna nina Gab Banal, Jai Reyes at Jerwin Gaco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?