41
abante-tnt-vismin-ceu
Aug 6, 2018 @ 18:40
By

Che’Lu, CEU balyahan sa huling puwesto ng D-League Finals

Magbabanggaan na ang Che’Lu Bar and Grill Revellers at Centro Escolar University Scorpions para masungkit ang huling upuan sa finals ng 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Malaki ang kumpiyansa ng Scorpions sa pagpasok sa laban nito dahil sa huli nilang pagkikita noong Huwebes ay nagawa nilang manalo, 83-78, kaya umaasa sila na magagawa nila ulit ito para masikwat ang puwesto.

“We manned up and that’s what we’re telling them. The playoff is a man’s game and that’s what we need to do: stand our ground and take what they can give. We have to fight,” ani Scorpions head coach Derrick Pumaren.

Naging pangunahing sandata ng Scorpions sa huli nitong laban sina Rich Guinataran at Orlan Wamar.

Para naman kay Revellers head coach Stevenson Tiu, mas kailangan aniyang tumulong ng ilan niyang bata at huwag laging umasa sa kanilang beterano na si Jeff Viernes.

“This is not Jeff Viernes’ team alone. This is Che’Lu and lahat dapat mag-contribute,” saad ni Tiu.

Sa laban sa Martes, mas kinakailangang umangat pa nina Chris Bitoon, Levi Hernandez at Jessie Collado para makabalik ang Revellers sa finals ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?