8

By

Che’Lu Bar & Grill, Viernes mas agresibo pa sa Game 2

Sharing is caring!

ATTACK mode na dapat ang utak ng kanilang team, ayon kay PBA veteran Jeff Viernes, upang hindi na maulit ang nangyari sa kanilang huling laban bago maitakas ang panalo.

Sa Game 1 ng PBA D-League Finals noong Huwebes ay nakauna ang Che’Lu Bar and Grill Revellers kontra Go-for-Gold Scratchers pero naging mabagal ang simula ng Revellers kaya umabot ng 13 puntos ang kalamangan ng Scratchers sa pagtatapos ng first half, 59-46.

“Yung mindset talaga namin, walang iba talaga kundi manalo and kunin ‘tong kampeonato. Hindi namin magagawa ‘to kung yung first half namin ganun gagawin namin, which is sa tingin ko dapat sa Game 2 dapat kailangan naming mag-adjust at huwag ng maulit ang first half,” ani Viernes.

Sa Martes, Agosto 14, alas-5 ng hapon ang Game 2 ng serye.

Nakaranas ng cramps sa binti sa Viernes kaya sa huling 12.3 segundo ng laro ay hindi nito naipasok ang dalawang bonus shots dahil nawala na rin siya sa focus dahil sa nararamdaman sakit.

Hindi rin aniya siya nabahala ng inilabas siya sa mga huling oras ng laro dahil alam niya na nasa kanila na ang momentum at maseselyuhan na nila ang panalo.

“Kumpiyansa na ako, yung momentum is on our side na. So, which is kampante na ako na sabi itong Game 1 napunta sa amin,” saad nito.

Sa fourth quarter ng laro ay naging magandang depensa ang naging susi ng Revellers para malimitahan lang sa siyam na puntos ang Scratchers at ayon kay Viernes, kailangan nilang dalhin ang ganitong klaseng depensa sa susunod na laro para masiguro ang kampeonato.

Ayaw nang maulit ni Viernes ang nangyari sa tropa noong nakaraaang conference na nanalo sila sa Game 1 pero sunod-sunod ding natalo hanggang sa hindi makuha ang kampeonato.

“Siguro yun ang magiging factor ko ngayon, at least marami kami ngayong magsasabi. Yung mga natirang player alam na nila kung gaano kasakit yun. Alam na nila yung feeling nun at alam nila na ayaw na nilang maulit yun,” pagtatapos nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?