71

Oct 4, 2021 @ 19:23
By

Chef Boy Logro, naghain COC para sa party-list

Buzzer-beater ngayong araw ang sikat na chef na si Boy Logro sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Sofitel hotel sa Pasay City.

Si Logro ang kumatawan sa Aangat Kusinerong Pinoy party-list, na siyang panghuling naghain ng COC ngayong araw.

Ngayong Lunes ay umabot sa 10 ang party-list groups na naghain ng COC at certificate of nomination and acceptance.

Sa kabuuan, 48 na ang party-list group sa tatangkaing makapwesto sa Kamara sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?