52

By

Chedeng, P6M sa TNC Predator

Isang bagong kotseng Mercedes Benz at P6M cash prize ang iuuwi ng Team TNC Predator mula sa eSports.

Gumawa ng kasaysayan ang TNC Predator bilang kauna-unahang koponan mula Southeast Asia na nagwagi ng isang prestihiyosong ESL One title.

Tinalo ng TNC Predator ang Gambit Esports sa nakaka-excite na limang larong serye, 3-1, sa Barclaycard Arena sa Hamburg, Germany upang makopo ang titulo.

Nabuo sa team na nakabase sa Pilipinas sina Kim “Gabbi” Villafuerte, Timothy “Tims” Randrip, Armel “Armel” Tabios, Damien “kpii” Chok na isang Australian, at Korean Park “March” Tae-won na nakamit ang $125,000 o mahigit P6M.

Napunta pa kay TNC team captain March na kinilalang MVP ng torneo ang bagong Mercedes-Benz.

Nasungkit din ng TNC ang silya para maipagpatuloy ang pagwawgi sa nalalapit na Major sa 2019-20 Dota 2 Pro Circuit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?