17

Feb 1, 2021 @ 19:35
By

CHED sa medical student: Walang pilitan sa face to face class

Hindi pipilitin ang mga estudyanteng may kursong medisina na pumasok sa eskuwelahan sa pagpapatupad sa limitadong face to face class, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Nagbabala naman si CHED Chairman Prospero de Vera na pansamantalang isasara ang mga eskuwelahan sakaling makapagtala ito ng COVID-19 case na may kinalaman sa face to face class.

Sa Laging Handa briefing nitong Lunes, sinabi ni De Vera na nagsumite na ng aplikasyon ang ilang higher education institution na gustong mag-face to face class.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face to face class para sa mga kursong may kinalaman sa medisina sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified GCQ.

Umaasa ang Pangulo na magkaroon ng mga graduate na magpapalakas sa healthcare system ng bansa ngayong pandemya kung saan kailangan na kailangan ng mga doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?