27

Jan 8, 2022 @ 12:16
By

CHED chairman sapol ng COVID

Sunod-sunod na ang mga government official na nagpopositibo sa COVID-19.

Isiniwalat ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera kagabi, Enero 7 ang pagpopositibo niya sa COVID-19 matapos matanggap ang resulta ng kanyang COVID test noong Huwebes.

Enero 3 nagpaturok si De Vera ng booster shot.

Sa ngayon ay nakararanas lamang siya ng mga mild symptom.

Nanawagan siya sa publiko na magpa-booster shot na o magpabakuna para mabawasan ang panganib na kapitan ng COVID at maprotektahan sa malalang sakit na dulot nito o pagkaospital.

Maliban kay De Vera, nauna nang nagpositibong mga tauhan ng gobyerno sina Agriculture Secretary William Dar, Transportation chief Arthur Tugade, Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, Health chief Francisco Duque, Defense Secretary Delfin Lorenzana at vaccine czar Carlito Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?