52

By

CHED chair, 8 beses na bumiyahe nang walang paalam – Nograles

Sharing is caring!

Ibinulgar ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles na hindi kumuha ng travel authority (TA) mula sa Office of the President si Commission on Higher Education (CHED) Chair Patricia Licuanan para sa 8 biyahe nito sa abroad noong nakaraang taon.

Ayon kay Nograles, sa halip na magpaalam ay tumayo ni Licuanan bilang approving authority para sa sariling requests para sa “Authority to Travel Abroad.”

Sa ilalim ng Executive Order 459 s. 2005, obligado ang lahat ng miyembro ng gabinete at mga opisyal na may kaparehong ranggo na kumuha ng TA mula sa tanggapan ng pangulo. Ang CHED ay attached agency ng Office of the President.

“Usurpation of the powers of the President? Did CHED Chairperson Licuanan usurp the power of President Duterte by approving her own travel authority contrary to EO 459 (series of 2005),” ani Nograles.

Sinabi ng kongresista na base sa mga dokumentong nakuha ng kanyang opisina, humirit si Licuanan ng 7 “official business” travels at isang ” personal travel”.

Gumastos aniya ito ng pondo ng gobyerno sa halagang P893,102.

Kabilang sa mga pinuntahan ng opisyal ang California, USA; Paris, France, Germany, Canada, Taiwan at Singapore.

“She even traveled Business Class while our President travels economy,” puna ni Nograles. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?