14

Jul 27, 2020 @ 15:36
By

CHED: 292,000 estudyante bibigyan ng stipend

Pagkakalooban ng stipend o allowance ang higit 292,000 estudyante para magamit sa parating na school year, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Sa bisa ng Tertiary Education Subsidy ng CHED at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education, tutulungan ang 292,438 student mula sa publiko at pribadong college institusyon para sa kanilang pag-aaral.

“We know that the students need this badly during the pandemic,” ayon kay CHED chairman Prospero De Vera III.

Ang nasabing stipend ay naging posible matapos na magdagdag ng P6 billion pondo ang Department of Budget and Management sa CHED.

Sa ngayon ay maraming estudyante ang magkakaroon ng dagdag gastusin sa blended learning sa COVID-19 pandemic, kung saan kinakailangan ng internet connection at gadget para makapagpatuloy ng pag-aaral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?