70

Oct 4, 2017 @ 17:17

Checkpoint, gun ban suspendido na

Tuluyan nang sinuspinde ng Philippine National Police ang isinasagawang checkpoint at umiiral ng Commission on Election gunban sa buong bansa.

Ito ay matapos na matanggap na ng PNP ang official order mula sa Comelec na nagsasabing itigil na ang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa kinanselang Sanggunian Kabataan at Barangay Elections.

Ayon kay Supt Vimellee Madrid, PNP Deputy Spokesperson, agad nilang inabisuhan ang buong kapulisan sa bansa matapos ianunsiyo ng Palasyo ang napirmahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa kanselasyon ng halalan.

Subalit giit ni Madrid, magpapatuloy naman ang anti-criminality checkpoint ng kapulisan sa buong bansa. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?