12

Apr 6, 2021 @ 14:09
By

Chavit Singson: Town mayor dapat mauna sa bakuna

Nanawagan si League of Municipalities of the Philippines national president Luis ‘Chavit’ Singson na dapat ikunsidera din ang mga town mayor sa prayoridad ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Singson, na mayor ng Narvacan, Ilocos Sur, kasama din sila bilang frontliner dahil sa pagtugon kontra sa pandemya.

Aniya, ilan sa kanilang mga inaaksyunan ay ang pamimigay ng ayuda at relief goods sa kanilang nasasakupan, gayundin ang pagsisigurong maayos ang kanilang mga isolation facility.

Dagdag pa ni Singson, ilang town mayor na ang tinamaan ng COVID-19, kung saan mayroon dito ang mga nasawi pa sa naturang sakit.

“Mayors first and foremost ensure that they are strong and healthy to protect their people and fight for them. People rely on their chief executives to safeguard their communities. A COVID-infected mayor is tantamount to a disruption in the management of COVID-response in the locality, thus this appeal to include our mayors in the vaccination priority list,” saad ni Singson.

Sa ngayon ay tanging mga gobernador at mayor sa mga critical o high-risk area ang pinapayagan na makauna sa bakuna, base sa approval ng National Task Force against COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?