145

Jun 19, 2021 @ 13:40
By

Chavit Singson sumanib sa NPC

Sumanib sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson.

Nitong Sabado ng umaga siya nanumpa sa harap ni NPC chairman at Senate President Vicente Sotto III bilang miyembro ng NPC.

Tinawag ni Sotto si Singson na “very strong political asset”.

Hindi lamang aniya nito napamahalaan ang Ilocos Sur kundi kasalukuyang presidente ng Municipal Mayor’s Leagues of the Philippines.

Naging miyembro si Singson ng Lakas-Christian Muslim Democrats.

Humiwalay siya rito noong 2010 matapos niyang iendorso si dating senador Manny Villar sa pagka-presidente, na isang Nacionalista Party member.

Napaulat na target niyang tumakbong muli bilang Narvacan mayor o Ilocos Sur governor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?