647

Nov 17, 2021 @ 21:09
By

Chavit: Pacquiao hindi qualified maging presidente

Hindi kuwalipikadong maging presidente si Senador Manny Pacquiao, ayon kay Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.

“Hindi pa siguro panahon ni Sen. Manny Pacquiao. Unang-una hindi siya qualified. Ang presidente kasi you have to be well educated if not well experienced,” pahayag ni Singson sa isang interview na ibinahagi ng Inquirer.

“Hindi puwedeng i-elect mo ‘yung presidente na mapapahiya tayo dahil ‘yan ang mukha nating Pilipino,” dagdag niya.

Pinayuhan niya si Pacquiao na bumalik na lang sa pagka-senador at kumuha pa ng maraming karanasan saka pag-isipan kung aakyat sa mas mataas na posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?