526

Oct 15, 2021 @ 22:38
By

Chavit iniwan si Pacquiao

Ibinunyag ni Senador Manny Pacquiao na binawi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson ang suporta sa kanya.

Ito ay matapos nilang hindi magkasundo tungkol sa pagpapataw ng mas mataas na excise tax sa alak at tobacco product.

Ani Pacquiao, iniwan siya sa ere ni Singson matapos niyang manindigan sa kung ano ang tama.

“Iniwanan na nga po ako ngayon sa ere eh. Iniwanan na po ako ngayon dahil nanindigan po tayo sa tama. Kapakanan ng taumbayan ang inisip natin,” saad ni Pacquiao sa panayam sa ANC.

“Iniwan sa ere dahil unang-una sabi niya mag-support siya sa akin and then after nung nanindigan ako sa tama, doon nagsimula itong issue na ito noong kinausap niya ako about sa tobacco tax increase. Hindi ko naman po pinagbigyan ito.

“Dalawang beses ‘yan. Kinausap ako ni Pareng Chavit dalawang beses, tapos hindi po ako pumayag. Sabi ko itutuloy ko ito dahil ito ‘yung nakikita kong paraan para makadagdag tayo ng pondo sa gobyerno at makatulong sa ating mga kababayan,” patuloy ni Pacman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?