1,330

Jun 23, 2022 @ 16:53
By

Charo Santos hindi inakalang magiging action star pa

Hindi inakala ni veteran actress at “Maalaala Mo Kaya” host Charo Santos-Concio na sa 45 taon niya sa industriya ay mabibigyan pa siya ng pagkakataong sumabak sa mga action scene.

Kilala kasi si Charo bilang award-winning dramatic actress.

Kaya lubos ang pasasalamat niya na maging parte ng action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Ramona.

“Sino ang magaakalang after 45years sa industriya ay mabibigyan pa ako ng pagkakataong makagawa ng action scenes. Maraming salamat for this opportunity #FPJsAngProbinsyano @dreamscapeph @cocomartin_ph.

“At salamat din po sa inyong pagtanggap at pagtangkilik kay Ramona,” saad niya sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?