32

Dec 1, 2020 @ 18:25
By

Charo Santos happy sa pagbalik ng ‘MMK’

Nagpahayag ng kanyang kasiyahan si Charo Santos-Concio sa pagbabalik ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK).

Noong November 28 ipinalabas ang kauna-unahang bagong episode ng “MMK” ngayong pandemya.

Simula kasi nang pumutok ang COVID-19 pandemic ay puro replay ang pinalalabas na kuwento sa drama anthology.

“I am so happy that we are back… para po sa aming mga manonood na hindi po nagsawang maghintay na makapaghandog po muli ang ‘MMK’ ng mga bagong kwento na magdadala ng inspirasyon at pag-asa sa gitna po ng mga nangyayari sa mundo ngayon,” sey ni Santos-Concio sa Instagram post.

https://www.instagram.com/p/CINMtV0nK1e/

Bumida sa bagong episode ng “MMK” si Arjo Atayde na gumanap bilang batang cardiologist na si Dr. Israel Bactol na pumanaw sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?