17

Oct 20, 2020 @ 14:54
By

Charo Santos crush si Hyun Bin

Na-imagine na ni dating ABS-CBN president Charo Santos-Concio ang mangyayari sakaling makita niya nang personal ang “Crash Landing on You” actor na si Hyun Bin.

Habang kausap si G3 San Diego sa Instagram live kagabi, sinabi niyang mapapatunganga siya.

Pero sisikapin aniya niyang makayakap ito.

“I will just stare at him but I will find the courage to ask him if he can give me a hug,” sambit ni Charo matapos mag-blush.

Matatandaang nabanggit ni Santos-Concio sa ilang panayam ang paghanga niya sa South Korean star at kagustuhan niyang makita ito kapag bumisita sa ating bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?