14

By

Charlize itinanggi ang relasyon kay Alexander

Sharing is caring!

Nagde-date nga ba sina Alexander Skarsgard at Charlize Theron?

Ito ang bulung-bulungan ngayon sa Hollywood pagkatapos na magsama ang dalawa sa pelikulang Flarsky.

Noong kausapin ang Emmy Award-winning actor ng WSJ magazine tungkol kay Charlize, ito ang naging sagot niya:

“It doesn’t affect me. People can think whatever they want. It’s impossible to live in a vacuum — you hear, ‘Oh, I heard you’re dating so-and-so.’ Sometimes you’re like, ‘Yeah, I did.’ Sometimes it’s, ‘Never met the person but give her my number.’”

Huling na-link ang True Blood actor sa actress na si Alexa Chung.

Quiet din ang Oscar winner na si Charlize tungkol sa pakikipag-date kay Skarsgard.

Ayaw daw niyang maging problema ito tulad nang pagkaka-link niya noon sa model at ex-husband ni Halle Berry na si Gabriel Aubry.

“No. I’ve never met him. I’ve met him for like three seconds, like, passing I was just like, ‘Hi!’ because our kids go to the same school.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?