19

Jan 25, 2021 @ 15:49
By

Charlie Dizon bibida sa MMK

Mapapanood si ‘Fan Girl’ Charlie Dizon sa Valentine’s episode ng Maalaala Mo Kaya kasama si Kapamilya actor Jameson Blake.

Ani Dizon, matagal na silang magkakilala ni Blake kaya komportable na siya sa aktor.

“Siyempre kailangan po ang kilig-kilig, kumbaga magkakilala na kami ni Jameson dati pa. So, mas komportable na rin po at ‘yun ang gusto ko kay Jameson madali siyang kausap sa ganun po, hindi siya maarte,” saad niya sa isang panayam.

Nakatakdang umere ang naturang Valentine’s episode sa Pebrero 13 na pinagunahan ni direk Nuel Naval.

Matatandaang si Dizon ang kinilalang Best Actress ng 2020 Metro Manila Film Festival para sa paganap niya bilang ‘Jane’ sa pelikulang “Fan Girl

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?