11

Sep 28, 2020 @ 20:34
By

Charles Brown tinalagang apostolic nuncio sa ‘Pinas

Napili ni Pope Francis si Archbishop Charles John Brown na susunod na apostolic nuncio sa Pilipinas.

Uupuan ni Brown ang nunciature na iniwan ni Archbishop Gabriele Caccia para maging Permanent Observer to the United Nations ng Vatican, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines media office.

Simula noon ay wala nang representative of the Vatican ang Pilipinas.

Aalis ng Albania si Brown kung saan siya nagsilbing apostolic nuncio simula 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?