37

Sep 18, 2018 @ 21:51
By

Charcos balik-aksiyon, Perpetual balik-panalo

Mga Laro sa Huwebes:

(FilOil Flying V Centre)

2:00 PM – SSC-R vs. JRU

4:00 PM – SBU vs. EAC

Matapos ang two-game losing streak ng host school na University of Perpetual Help System Dalta Altas, muli nitong nalasap ang tamis ng panalo.

Dinaig ng Altas para sa 6-5 karta ang Arellano University Chiefs, 57-45, sa 94th NCAA Martes ng gabi, Setyembre 18, sa FilOil Flying V Centre.

Balik-aksyon din ang ace player ng Altas na si Edgar Charcos matapos nitong magpahinga ng ilang linggo dahil na rin sa injury na tinamo nito.

Ayon kay Altas head coach Frankie Lim, malaking bahagi ng kanilang sistema si Edgar Charcos at magandang depensa aniya ang pinamalas.

“(Edgar) Charcos really plays a big part in our system, so malaking bagay. We made good stops, pagkatapos nun maganda rin ang tinakbo namin sa fastbreaks,” ani Lim

Para naman kay foreign player Prince Eze, mas naging maganda ang pagbabalik ni Charcos sa court dahil mas nagiging konektado silang dalawa.

“He (Charcos) knows how to find me and I’m used to it and we eye-contact each other everytime, so, even today there’s so much works he gives me good passes,” saad ni Eze na tumapos ng 20 puntos, 19 rebounds at isang assist.

Matapos ang laro, dalawa sa manlalaro ng tropa ang pinatakbo ni Lim sa court sina Jelo Razon at Rey Peralta dahil sa pagmintis nito sa kanilang lay-up.

“They missed layups,” paliwanag ni Lim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?