7

‘Change of leadership’ sa Senado, walang basbas ni Duterte – Koko

Sharing is caring!

Wala umanong kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabago ng liderato sa Senado.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III kasabay ng kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng Senado na kanyang hinawakan ng dalawang taon.

“No, Malacanang actually has no hand (in this),” pahayaga ni Pimentel.

“This is an example of a peaceful and willing transfer of power in the Senate,” dagdag pa nito.

Muling iginiit ni Pimentel na walang silang ‘term-sharing’ o ‘power-sharing’ ni Sotto bilang pinuno ng Senado.

“Matagal na po ito. Matagal na namin itong pinag-usapan ni Sen. Sotto na darating talaga ang time na sya na po ang magiging Senate president. Wala naman talagang timetable,” sabi ni Pimentel.

“Walang usapan, pero may tuksuhan. Very open naman si Sen. Sotto na if ibigay sa kanya ng majority, he’s willing to accept. (So) walang agreement, walang understanding,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?