56
Chanel designer pumanaw sa edad na 85
By

Chanel designer pumanaw sa edad na 85

Namayapa na ang kilalang Chanel fashion designer na si Karl Lagerfeld dahil sa karamdaman.

Ayon sa balita, yumao si Lagerfeld sa edad na 85 matapos maospital ng dalawang linggo sa Paris.

Bago nito, dalawang show ng Chanel sa Paris noong January 22 ang hindi nadaluhan ni Lagerfeld dahil pagod umano ang pakiramdam nito.

Ito ang unang pagkakataon na lumiban sa catwalk bow sa Chanel show si Lagerfeld.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?