13

Nov 17, 2020 @ 16:32
By

Chan, Tenorio golf muna bago semis

Matapos makapasok ang Ginebra sa semis, mahabang pahinga rin ang naging kapalit nito.

Napauwi agad ng Gin Kings ang Rain or Shine at ‘di na hinayaan pang umabot sa do or die ang kanilang series.

Pagkatapos manalo, nag-selebra agad ang Ginebra, mala-pizza party ang nangyari sa team.

Makakasagupa ng Gin Kings ang Meralco Bolts na kanilang karibal sa Governor’s Cup, pero bago ang salpukan ng dalawa, kanya-kanyang oras muna ang mga bata ni Tim Cone.

Kaya naman si Jeff Chan at LA Tenorio ay pa-golf-golf muna.

Nag-post ng larawan si Chan na kasama si Tenorio habang naglalaro ng golf ang dalawa sa loob ng PBA Bubble.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?