104
jeff-chan
Jun 19, 2018 @ 19:09
By

Chan sa Barangay, aprub kay Jayjay

Kahit retirado na, nakatutok pa rin ang 2009 PBA season MVP na si Jayjay Helterbrand sa koponan kung saan siya nakilala, ang Ginebra San Miguel.

At para sa kanya, swak ang bagong kabaranggay na si Jeff Chan sa ‘Never Say Die’ team ng PBA.

“He will fit right in because he brings what we need to the team and that’s his shooting. He will be able to take some pressure of the bigs because they can’t sag off him because he will be a threat,” ayon sa panayam ng FoxSports Philippines kay Helterbrand.

Bukod sa pambihirang sipat sa tres ni Chan, bilib din si ‘The Fast’ sa talino at diskarte ng una.

“Aside from shooting he is a smart player and knows how to move the ball. Those are the things that will get him minutes,” ani Helterbrand.

Huling naglaro ang 41-anyos na ngayong si Helterbrand sa Ginebra noong nakaraang season at naging mahalagang instrumento sa anim na championship ng Ginebra buhat noong 2000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?