20

By

‘Championship experience’ dadalhin ni Orizu sa FEU

Sharing is caring!

Ang Far Eastern University Tamaraws ang may pinaka-intact na koponan sa darating na UAAP Season 81 men’s basketball tournament dahil si Ron Dennison lang ang nawala sa koponan.

Sama-sama pa rin sila Hubert Cani, Axel Inigo, Richard Escoto, Arvin Tolentino at Prince Orizu.

Noong nakaraang season ay naipanalo pa ng Tamaraws ang una nilang semifinals game kontra sa twice-to-beat Ateneo Blue Eagles ngunit hindi nila nagawang makabalik sa finals pagkatapos matalo sa ikalawang laban dahil kay Isaac Go.

Si Orizu at Escoto na lang ang parte ng championship team ng FEU noong Season 78 kaya naman magiging mahalagang kasangkapan siya upang makabalik sa tuktok ang Tams.

Pangalawang season pa lamang ni head coach Olsen Racela ngunit madali niyang napamunuan ang koponan dahil ang kanyang kapatid na si Nash Racela ang gumabay sa Tamaraws upang makuha ang kampeonato noong 2016.

Una nilang makalalaban ang runner-up noong nakaraang taon na De La Salle University Green Archers sa Linggo, Setyembre 9, sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?