90

Jun 1, 2018 @ 10:46

Chairmanship ng ethics committee tinanggihan ni Pimentel

Ayaw pamunuan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang Senate ethics committee na unang inialok sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Pimentel, bahala na si Sotto ang pumili na ibang hahawak sa naturang komite.

“Iwan na lang natin kay ano yun, kay SP (Senate president) para sya na mag decide kung kanino nya ibibigay (yung committee),” sabi ni Pimentel sa panayam ng mga reporters.

Matapos maluklok si Sotto bilang bagong pinuno ng upper chamber, itinalaga si Pimentel bilang chairman ng committee on electoral reforms and people’s participation at trade, commerce and entrepreneurship na dating hawak ng bagong Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Si Pimentel din ang chair ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Elections System (JCOC-AES).

Dapat sana’y ibibigay sa kanya ang local governments committee subalit hinayaan na lang niya ito kay Senador Sonny Angara.

“Kay Sonny Angara na (yun) kasi marami na syang achievements doon. Huwag na nating kunin,” ani Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?